Note: Purong tagalog ako ngaun sa unang pagkakataon actually may halos ingles din. My Apologize to those who can't understand. I surely needs to express the depth of my emotions this time. I hope you do understand.
Upang sagutin ang katanungang, "Bakit ako naiinis?", narito ang mga posibleng dahilan:
Upang sagutin ang katanungang, "Bakit ako naiinis?", narito ang mga posibleng dahilan:
- Malamang iisipin mong ang babaw ko, pro ganito talaga ako eh, naiinis ako dahil nasa "bottom three" sila Adam Lambert at Matt Giraud ng American Idol. Pareho ko silang idolo kaya naiinis ako. Lalo na si Adam Lambert na hindi marapat na italaga sa ganong posisyon dahil sa kanyang natatanging talento! Kauna-unahang beses lang napunta si Adam sa bottom 3! Bakit kayo nagkulang AMERICA?! haha! "Bitter-Sweet" nga kung tawagin ang pangyayari para sa akin. Sapagkat, masaya akong nailigtas si Adam Lambert ngunit ang nakakalungkot ay natanggal naman si Matt. Haay, ang buhay nga naman. Marahil tinatawanan mo ako dahil ang O.A. ko, pwes wala kang magagawa nakikibasa ka lang! ahaha! Kakainis!!
- Sino bang hindi maiinis kapag wala ka ng perang pambili ng gusto mo lalo na't "super sale" ngaun sa SM SuperMalls? haha. Kakalungkot namang isipin na kung kelan pa "sale" eh wala na akong "budget"! NAMAN! Kakainis!!
- Ikaw ba kung "graduate" ka na at wala ka pang trabaho, hindi ka ba maiinis? Isa kang "PT or Professional Tambay"! Isa akong malaking pabigat at palamunin!! Nakakahiya mang sabihin ngunit ano ang magagawa ko? Ang ganda kasi ng bansa natin, punong-puno ng oppurtunidad! Mag dilang anghel sana ako. Kakainis!!
- Madalas ko itong pinagiisipan kung paano ba ako makakatulong sa mga nangangailangan kong kapamilya ngayo't alam kong wala naman akong trabaho! Sobra akong "na-gui-guilty" paano ba naman wala akong magawa sa tanda kong ito! haha. Sa totoo lang, "feeling" ko sobrang wala akong kwenta! Kakainis!!
- Hindi ko alam kung maiinis ako o hindi sa mga taong mahilig manloko. Syempre nakakainis nga un diba?! Ngunit paano kung ang pagsisinungaling ang may magandang rason na para sa ikakabuti ng mga taong importante sayo. Hindi ko rin maintindihan kasi hindi ko gawain o "hobby" ang manloko o magsinungaling lalo na sa mga taong mahalaga sakin. Hindi ako magpapakaimpokrita kung sasabihin kong hindi ako nagsisinungaling, ginagawa ko din un ngunit mga mababaw na dahilan lamang. Naiinis lang ako sa mga taong manloloko "period". Kakainis!!
- Eto pa ang walang katapusang "issue" patungkol sa kaso ni Ted Failon! Grabe na ito, hindi ko mapigilang maghimutok at mainis sa ginawang panghaharas ng mga pulis sa pamilya ni Mr. Failon. Sino bang hindi mababadtrip di ba?! Namatay na lang ang asawa niya hindi man lang siya tinantanan ng mga isyu at akusasyon na binabato sa kanya. "Unfair" talaga ang buhay at kahit si "Superman" walang magagawa! Kakainis!!
- Ang pangarap ika nga nila ay makakmtam basta magtiyaga ka lang. Eh bakit ako nakamtam ko nga ang pangarap ko ngunit subalit datapwat, hindi pa rin ako masaya. Ang dami kong pinagdaanang hirap, hindi pa ba sapat un para maging masaya? Kung iisipin kong maigi, hindi ko nga pala pangarap ang pagiging isang nars. Itinawid ko lang ang aking sarili nang sa gayon ay magkaroon ng magandang pinagtapos at magandang kinabukasan sa hinaharap na "ikaka-proud" ng aking magulang at kamag-anakan. Bakit hindi pa rin ako masaya? Madalas ko yan itanong sa aking sarili at madalas ding hindi ko alam ang kasagutan. Ikaw ba alam mo?? Kakainis!!
- Mga taong hindi nakaka-appreciate ng ginagawa ko ay isa pang nakakainis! Hindi naman sa humihingi ako sa iyo ng utang na loob dahil alam ko dapat hindi yan "iniimpose", kusa lang yang ipinararamdam. Ang tanging nais ko lamang ay maisip mong "nageexist" ako at hinihingi ko ang pagbigay mo ng halaga sa akin, "vice-versa". Kakainis!!
- Alam kong walang kwenta ang susunod kaso naiinis ako at hindi ko mapigilang maghimutok! Ukol ito sa "sikretong kasal kuno" nila Juday-Ryan na sobrang O.A.! Korny talaga nila, "feeling important"! Sorry na lang pero eto talaga opinion ko! Pasensya na sa mga fans..eewww!!! Kakainis!!
- Mahaba-haba na din itong blog na ito, malamang hindi mo binasa! Yabang mo naman! Makonsensya ka! Bat ako binabasa ko naman ung sayo ha! haha!! Kaw ba hindi ka maiinis na wala man lang magtiyagang magbasa ng ginawa mong blog? Matapos mong ibahagi ang aking damdamin sa pamamagitan ng blog na ito, tapos iwawalang bahala mo lang!! Maayy Gaaaaddd! Kakaiyak naman nun! haha. Sa nakakabasa nitong huling numero, pwedeng nilaktawan mu ang ibang numero at ang binasa mu lang ay itong number 10, pwede rin namang dumeretsyo ka na sa number 10 dahil tamad ka magbasa, at pwede ring dakilang ka at tunay na kaibigan! Salamat at Saludo ako sayo!! Pagpapalain ka ng diyos! AMEN! At sa hindi ito binasa at kumopya lang sa unang nagkomento, eto sayo.."TOINK" magingat ka sa dinadaanan mu, sana madulas ka! bwahaha! JOKE! May araw ka rin! haha..Kakainis!!